Taon-taon nagkakaron ng piyesta ng mga pelikula sa araw ng Pasko. Smart move, dahil alam ng lahat na maraming pera ang mga tao sa panahon ng Disyembre kaya daan-daang milyon ang kinikita ng mga pelikula, hayahay ang mga producers. Hindi ako masyado nanunuod sa sinehan, pwera na lang kung nagkayayaan o may nang lilibre. Huling beses akong nanuod ng pelikula mula sa MMFF ay ang Spirit Warriors: The Shortcut, last 2003 pa. Hindi masyado masaya, hindi dahil sa pelikula kundi dahil ilang oras kami nakapila na umabot kami sa Annex ng SM North Edsa bago nakabili ng ticket tapos pagpasok namin, punong-puno ang sinehan, sa sahig kami nakaupo malapit sa fire exit. Mind you, January 1 na kami nanunod nun, (ah so 2004 na pala yun) we expect hindi na ganun kadami ang mga manunuod. Sabi ko kung ganito lang pala tuwing MMFF di na 'ko makikipagsiksikan sa susunod. Ipapalabas din naman lahat sa cable or local tv eventually. So ngayon, as usual, MMFF na naman. Kagabi nakanuod ako ng MMFF awards night sa Channel 2, bandang kalagitnaan na, just in time sa mga major awards. Nakita ko naman na sa Facebook yung results. Natuwa naman ako at big winner ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo, medyo nagulat lang sa rom-com na English Only, Please. Wala pa kong napapanuod sa mga kasaling pelikula kaya bumabase ako sa mga trailers. Bet ko talaga ang mga history movies kaya #1 sa'kin ang Bonifacio. Ang ganda ng pelikula, base sa trailer ha. Maganda rin naman ang reviews. Balita ko pa, may taga Hollywood filmmakers na isa sa likod ng pelikula ni Binoe. Yung Feng Shui 2, nakakatakot din yung part 1 nuon, I especially love the ending. Sa tingin ko naman hindi disapppointing yun. Pati ang Kubot: The Aswang Chronicles, balita ko complete package daw yun, nakakatawa, nakakatakot, action at drama (?). Akala ko maganda ang comeback ng Shake Rattle and Roll kasi may eroplano scene, eh bihira lang naman tayo gumawa ng mga ganung klaseng pelikula na may kinalaman sa mga sasakyan lalo na yung mga malalaki kasi takot tayo magpasabog o kahit magkaroon ng gasgas ng mga kotse pero yung nakita ko yung tyanak, ay putek parang dati lang. Bakit hindi naten magawang hindi halatang peke ang mga visual effects naten? Inuulit ko, wala pa ko napapanuod ni isa sa mga pelikula ng MMFF.
So why am I making this post?
Hindi BluRay. |
As expected, highest grossing ang Praybeyt Benjamin 2 as of the moment. Bakit nga ba? Kasi Vice Ganda. Star Cinema. Comedy. Vice Ganda is known for his sarcasm as his comedic style. Benta- benta sa'tin, kaya nga ganyan sya kasikat ngayon. Tapos ABSCBN pa sya, magaling magbenta ng products nila kaya halos lahat ng media pinasok si Vice Ganda sa hosting, recording, concert, films. We all love to laugh, kaya mabenta din sa'tin ang mga comedy. Pero yung napanuod ko naman yung trailer, dyosko naman, wala na bang bago? Yung bago ata, si Al Tantay naging tatay ng karakter ni Vice sa pelikula, di tulad nung part 1 si Jimmy Santos. Luma ng mga punchlines, ni wala ngang nakakatawa sa trailer. Pilit lang eh. Nakakatawa si Vice Ganda pero he needs to reinvent himself. Naalala ko pa yung unang movie nya na pinanuod ko yung remake ng Petrang Kabayo, dami ko tawa nun kasi yung ang unang major film nya. Fresh pa mga tirada nya. Pero ngayon, dahil sa araw-araw na sya nakikita sa tv, araw- araw din sya nag-iisip ng punchline for the day nya na halos nauubos na kaya nawalan na sya sa pang pelikula nya. At sana kung gagawa ng comedy films, yung may sense naman. Yung may kwento, hindi yung mangongolekta ng mga punchlines saka pilit isisiksik sa isang pelikula na minsan off na or korni na.
Kelan kaya tayo makakagawa ng ganitong klaseng pelikula? |
Star Cinema is disappointing. Mas gumagawa sila ng mga romantic, comedy, rom-com movies kasi alam nilang yun ang mabenta. Puro pera na lang. Business nga naman. Pero sana tayong mga Pinoy, sumuporta tayo sa mga dekalidad na pelikula. Maging wais na sana tayo, kung gagastos lang din ng P200 sana yung sulit na. Hindi yung magbabayad pa kayo para sa mga bagay na araw-araw lang din naman natin makikita sa TV, na libre naman.