Adik ako sa Westlife.
1st year high school pa lang ako pinupuno ko na ng pangalan ni Shane ang likod ng notebook ko.
Nangungupit ako ng sampung piso sa nanay ko para lang makabili ng mga poster ng Westlife hanggang sa nakalimutan ko na ang kulay ng ding ding ng kwarto dahil nabalot na ng mga mukha nila Shane ang dingding.
Napapasigaw ako pag nakikita ko sila sa TV.
Isusunod ko kay Shane ang pangalan ng magiging anak ko in the future.
Pangarap ko sanang makarating ng Ireland.
Perslab ko si Shane. Perstaym kong makaramdam ng selos kay Gillian (asawa nya)
Natutuo akong mag-internet dahil sa Westlife.
Miyembro ako ng opisyal na samahan ng mga tagahanga ng Westlife dito sa Pilipinas (defunct WFCP and new WLPH)
Si Shane ang pinaka gwapong lalake nakilala ko.
Sinasabi ko sa mga maliliit kong pinsan at pamangkin na magiging asawa ko si Shane.
Lahat ng nakakakilala sa'kin, alam nilang panatiko ako ng Westlife.
Alam ko lahat ng kanta nila. Kahit yung mga b-sides or rare tracks (di ko nga lang memorized yung iba:))
Lantaran kong sinasabi sa kasintahan ko na mahal ko si Shane. (Well, confident naman about dun, lam naman nya kasing "baliw" lang ako..)
Gumastos ako ng halos 5000php para lang makita sila.
Never akong nagsawa sakanila.
Nakatago pa rin ang mga koleksyon kong magasin na featured sila.
Iniiyakan ko sila kapag may nababalitaan akong malungkot na nangyari sakanila.
Sinumpa ko na hindi ako pwedeng mamamatay hanggat di pa ko nakakapunta sa konsert nila (but please, dont murder me after 29th Sept. :))
at marami pa akong "kabaliwan" (kung yan man ang nasa isip mo) sa Westlife. Kahit na hindi nila alam ang existence ko. Kahit na nakatira sila sa kabilang side ng mundo. Kahit na sila'y tumatanda at lumipas na ang uber kasikatan nila. Kahit na hindi sila tulad ng idolo mong banda na laging humahawak ng mga instrument pang musika o kahit ano pang "kahit na", wala pa ring magbabago, ako'y mananatili pa ring tagahanga nila.
And to tell you frankly, that's pretty amazing having this undying love and support to somebody who doesn't even know my name. What more to someone that I spend my days with personally? Wag mong pagtawanan ang isang taong gumagastos ng malaki para lang sa iniidolo nya, nagmamahal lang po. O wag mo ring kutyain. Di naman siguro ninakaw ang pera ginastos dun o malamang di naman sa'yo yung perang yun... Kung ano ang nagpapasaya sa kapwa mo, hayaan mo na lang. As long as wala syang sinasaktang tao. Kung di mo kayang sumuporta, mas mabuting hayaan na lang diba.. :)
No comments:
Post a Comment